TAPOSIN! TAPOSIN! TAPOSIN!
Taposin! Taposin! Taposin! Ang sigaw ng mga halimaw na nanonood sa mga laban sa anime na Ghost Fighter. Tulad ko rin, halos araw-araw ay may sumisigaw na "Taposin mo ang buhay mo" sa utak ko. Sa una, hindi pa masyado malakas pero habang tumatagal palakas nang palakas, nagsimula sa bulong hanggang sa naging sigaw na. May araw na nadadala ako sa sigaw at bulong na 'yon, sinusubukan sundin ang utos pero wala ako kakayahan. Shit! kahit sa pagtapos ng buhay ko ay 'di ko rin kaya. Taposin! Taposin! Taposin! Paano ba nagsimula ang lahat? Bakit ba nangyari o nangyayari ito?